Home METRO 2 magsasaka todas sa pamamaril

2 magsasaka todas sa pamamaril

CAMP NAKAR, Lucena City, Quezon- Patay sa pamamaril ang dalawang magsasaka sa mga bayan ng Sariaya at Tiaong, sa lalawigang ito, nitong Linggo.

Kinilala ng mga ulis ang mga biktimang sina Joseph, 33, ng Barangay Cabay, Tiaong, at Reynaldo, 50, ng Barangay Lutucan Malabag, Sariaya.

Naglalakad si Joseph nang biglang sumulpot ang isang lalaki at pagbabarilin siya. Agad na binawian ng buhay ang biktima mula sa ilang tama ng bala. Narekober sa lugar ang live bullet at tatlong pinaputok na caliber .45 cartridges.

Samantala, pauwi na si Reynaldo nang ratratin ng gunman ng bala ang kanyang katawan. Dead on the spot mula sa mga tama ng bala ang biktima.

Nakatakas ang mga suspek na kasalukuyang tinutugis ng mga awtoridad. RNT/SA