BULACAN, Philippines – Agad pina-inspeksyon ng pamahalang lungsod ng Malolos ang lahat ng gusali para tiyaking ligtas ang mga ito matapos tumama ang magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao niton umaga ng Lunes, June 8.
Ayon kay Mayor Atty. Christian Natividad, bagamat dalawang buwan pa lamang ang nakalipas sa pagsusuri sa mga gusali rito ay ipinaulit niya ito dahil sa nangyaring malakas na lindol.
Sa inisyatiba ng punong lungsod, nais niyang matiyak ang lahat ng pribado/pampublikong gusali at mga tulay rito upang magamit ng ligtas sakaling may hindi inaasahang may malakas na paglindol.
Samantala, sa isinagawang huling pagsusuri kamakailan ng pamahalaang lungsod sa mga gusali, dalawang gusali ng paaralan ang hindi na pinagamit dahil nakitaan ito ng walang kasiguraduhan at peligro sa mga mag-aaral.
Hindi na umano pinangalanan ng alkalde ang mga paaralang ito upang hindi na makapagbigay ng panik sa mga residente sa lugar.
Sinasabing halos lahat ng proyektong ginawa ng DPWH Bulacan 1st District ay pawang mga substandard, ayon na rin sa pahayag ni dating District Engineer Brice Hernandez. (Dick Mirasol III)