Home METRO 2 mangingisdang nasiraan ng motorbanca ligtas na

2 mangingisdang nasiraan ng motorbanca ligtas na

MANILA, Philippines- Dalawang mangingisda ang nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) sakay ng motorbanca matapos masiraan ng makina sa baybayin ng Brgy. Binuangan Bagac, Bataan nitong Sabado.

Nakatanggap ang cost guard station Bataan ng tawag mula sa District Action Center (DAC) at ipinagbigay-alam na ang motorbanca na Martina Leigh ay nakaranas ng engine failure

Ang dalawang mangingisda na sakay ng banca ay kinilalang sina Giovannie Austria at Angelo Pilote.

Bilang tugon, agad na inabisuhan ng CGS Bataan ang Coast Guard Sub-Station (CGSS) Bagac na magsagawa ng search and rescue operation.

Sa parehong petsa, nakatanggap ng isa pang tawag sa telepono ang CGS Bataan mula sa DAC at ipinaalam na hiniling ng NCR-CL ang deployment ng BRP Cabra (MRRV-4409) para tumulong sa search and rescue operation sa nasabing lokasyon kung saan namataan at nasagip ang dalawang mangingisda. Jocelyn Tabangcura-Domenden