Home METRO 2 mangingisdang nilamon ng alon, natagpuan sa Iloilo City

2 mangingisdang nilamon ng alon, natagpuan sa Iloilo City

321
0

ILOILO CITY, Philippines – Natagpuan na ang dalawang iniulat na nawawalang mangingisda sa karagatan ng Sibunag sa Iloilo City matapos ang dalawang araw na search and retrieval operations.

Unang narekober ng search and rescue team ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Guimaras ang katawan ni Vincent Paul Valles, 30, sa pagitan ng Inampulungan at Natunga Islands pasado alas-7 ng umaga at sumunod namang narekober ang katawan ni Ryan Galfo, 32, malapit sa parehong lugar dakong alas-11 ng umaga, ayon sa ulat ng pamahalaang panlalawigan.

Ayon sa ulat, umalis ang dalawa kasama ang dalawa pang mangingisda sakay ng fishing boat “Jen-Jen and Rowen” noong Lunes.

Dahil maalon at sama ng panahon, natangay ng malakas na alos ang dalawa habang sinusubukang kunin ang fishing bouy.

Inilunsad ang rescue operation gabi ng nasabing araw sa tulong ng Philippine Coast Guard (PCG) sub-station Sibunag at Sibunag Municipal Police Station. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here