Home METRO Tserman utas, misis sugatan sa pamamaril sa Samar

Tserman utas, misis sugatan sa pamamaril sa Samar

225
0

SAMAR, Philippines – Patay ang isang punong barangay habang sugatan ang kanyang misis matapos silang tambangan at pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin, kahapon, Hulyo 23 sa Calbayog City.

Kinilala ang nasawi na si PB Anastacio Catalan, 59 anyos, ng Barangay Tapa-e, at ang kanyang misis na si Remegia, 53 anyos.

Ayon kay Lt. Col. Dinvir Revita, hepe ng Calbayog City Police, bandang 1:15 p.m. Miyerkules, Hulyo 23, 2025, naganap ang krimen sa bahagi ng Barangay Guinbaoyan Norte at Guinbaoyan Sur. sakay ng isang traysikel o “timbol” ang mag-asawa at pauwi na bandang ala-1 ng hapon.

Sa pagresponde ng mga pulis sa lugar ng pinangyarihan ng krimen naabutan nila si Catalan na nakahandusay at wala nang buhay habang ang kanyang asawa ay itinakbo sa Calbayog District Hospital.

Batay sa paunang imbestigasyon, dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo ang lumapit mula sa likod ng mga biktima at agad na nagpaputok. Tinamaan si Catalan sa ulo habang tinamaan naman si Remegia sa kaliwang hita.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang mga suspek sa kabilang direksyon.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang basyo ng bala ng kalibre .45 na baril.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek. /Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here