Bulacan – Arestado ng mga awtoridad ang dalawang indibiduwal nang mahulihan umano ng P357,000.00 halaga ng substandard solar lights and panels sa bayan ng Obando.
Sa report kay PBGEN Christopher Abrahano, Acting director ng Criminal Investigation Detection Group (CIDG), kinilala ang mga suspek na sina alyas “Mary” at alyas “Angel” kapwa empleyado at tindera sa nasabing tindahan.
Ayon sa report, ikinasa ang operasyon ng CIDG Bulacan Field Unit bandang 9:00 ng gabi noong Agosto 28 sa isang tindahan sa Brgy. Panghulo.
Nabatid na nahuli sa akto ng mga tauhan ng CIDG ang dalawa na nagbebenta ng mga substandard and unsafe solar lights and panels na may total estimated market value na P357,000.00.
Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa nasabing yunit ng pulisya. (Dick Mirasol III)