CAVITE, Philippines – Dalawang menor de edad ang naiulat na nalunod sa magkahiwalay na insidente sa Dasmariñas at Naic, Cavite.
Kinilala ang mga biktima na sina alyas Kervin, 12, residente ng B17 Lot 63 Phase 4, Dasma 1, Brgy. Salawag, Dasmariñas, at alyas Prinxe, 16, residente ng Blk 26, Lot 32, Phase 1 Hills View Royale Timalan Balsahan, Naic.
Ayon sa ulat, bandang alas-2:45 ng hapon ng Miyerkules, nakita ng kasamahan ni Kervin na siya ay palubog sa tubig sa Sitio Silangan. Tinangka pa siyang tulungan at iangat, ngunit tuloy-tuloy itong lumubog at nilamon ng tubig.
Samantala, bandang alas-4:45 ng hapon, naligo si Prinxe kasama ang ilang kaibigan sa Timalan, Balsahan River sa Barangay Timalan, Naic. Nagtungo siya sa ilalim na bahagi ng tubig at nalunod.
Nang naiahon si Prinxe, naisugod pa ito sa Lorenzo Hospital, ngunit idineklarang patay na pagdating sa ospital. MARGIE BAUTISTA