Hindi na napiga ng mga Senador si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo nang humarap sa pagpapatuloy
ng pagdinig ng Senado.Ginigisa ng mga senador si Sual, Pangasinan Mayor Liseldo Dong Calugay sa posibilidad na relasyon o ugnayan nila ni Guo. CESAR MORALES
MANILA, Philippines – Natapos na ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ang kanyang medical examination bago ang kanyang paglilipat sa Correctional Institution for Women (CIW), ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) nitong Huwebes.
Si Guo ay nahatulan ng qualified human trafficking at sinentensiyahan ng life imprisonment at P2 milyong multa kaugnay ng ilegal na Philippine offshore gaming operator (Pogo) hub sa kanilang bayan.
Kumpirmado ni BJMP Spokesperson Jail Superintendent Jayrex Bustinera na natapos na ni Guo ang medical exam. Ani niya, “We are completing the requirements for Alice Guo’s transfer and her two other co-accused. We will transfer them as soon as practicable.”
Nakatanggap na rin ang Pasig City Jail Female Dormitory noong Martes ng commitment order para ilipat si Guo at ang kanyang dalawang kasama na sina Jaimielyn Santos Cruz at Rachelle Joan Malonzo Carreon sa CIW. Inaasahang magaganap ang paglilipat “within the week.”
Ayon sa CIW, sa pagdating nila, sasailalim muna ang tatlo sa limang araw na protocol quarantine sa Reception Diagnostic Center (RDC), kasama ang karagdagang medical examinations. Pagkatapos ng quarantine, ililipat sila sa regular RDC dormitory para sa 60-araw na mandatory orientation, diagnostics, at evaluation bago tuluyang ilagay sa kanilang dormitory sa Maximum Security Camp. RNT/MND