Home METRO Rider, nag-russian roulette, patay

Rider, nag-russian roulette, patay

302
0

CAVITE, Philippines – Patay ang isang 23-anyos na Lalamove rider matapos maglaro ng russian roulette sa harap ng mga kaibigan habang nag-iinuman sa Bacoor City, Cavite, noong Miyerkules ng madaling araw.

Ayon sa ulat, si alyas Noryl mula Villa Espeanza, Brgy. Molino 2, ay isinugod sa Molino Doctors Hospital ngunit hindi na umabot ng buhay.

Batay sa imbestigasyon, bandang alas-2:30 ng madaling araw, nag-iinuman ang biktima kasama ang ilang kaibigan sa loob ng kanilang bahay nang makita siyang may hawak na baril at pinaglaruan ito. Itinutok umano ni Noryl ang baril sa kanyang sentido at kinalabit ang gatilyo.

Dahil sa pangyayari, agad siyang dinala sa ospital ngunit idineklarang patay na. Hindi malinaw sa ulat kung kanino ang baril, ngunit sinabi na isa sa mga kasamahan nito ang humawak at itinago sa ilalim ng higaan dahil sa takot at pagkabigla. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here