CAMP OLIVAS, PAMPANGA – Nahulog sa kamay ng mga awtoridad ang dalawang (2) Top Most Wanted Person sa lalawigan ng Zambales, matapos masukol ang mga suspek sa magkahiwalay na manhunt operation ng pulisya.
Batay sa ulat ni Zambales Police Director Col Benjamin Ariola, kay Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez, naaresto ang mga suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng Korte na sangkot sa mga kaso ng krimen.
Naaresto ng Castillejos Municipal Police Station ang Top 5 Most Wanted na akusado sa mga kasong Murder at Theft, makaraang matunton at masukol ang suspek sa kanyang pinagtaguan sa Barangay Paligsahan, Quezon City.
Nasukol naman sa manhunt operation ng pulisya ang Top 7 Most Wanted Person na akusado sa 2 counts ng Acts of Lasciviousness sa Barangay Baraca-Camachile, Subic, Zambales.
Nasa kustodiya na nang pulisya ang mga naarestong suspek para sa dokumentasyon at tamang disposisyon. ROEL TARAYAO