Home NATIONWIDE 29 pasahero at crew ng motorbanca, nasagip ng PCG sa Palawan

29 pasahero at crew ng motorbanca, nasagip ng PCG sa Palawan

1
0

MANILA, Philippines – Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 29 pasahero at crew ng isang motorbanca matapos itong magka-mechanical failure sa karagatan malapit sa Calibangbangan Island sa Linapacan, Palawan nitong Lunes.

Ayon sa PCG, nasira ang propeller shaft ng MBCA Princess Ruby Ann-1 habang bumibiyahe, kaya agad na pinatay ng mekaniko ang main engine upang maiwasan ang mas malalang pinsala at matiyak ang kaligtasan ng mga sakay.

Agad namang nagsagawa ng search-and-rescue operation ang mga tauhan ng Coast Guard Sub-Stations New Colaylayan at San Fernando matapos makatanggap ng distress report.

Ikinabit nila ang towing lines at hinila ang nasirang bangka patungong San Fernando Port sa El Nido.

Ligtas na nakarating sa pantalan ang motorbanca, at lahat ng 29 pasahero at crew, kabilang ang kapitan, ay nasa maayos na kondisyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here