SURIGAO DEL SUR- Nadakip ng mga awtoridad ang dalawang most wanted person sa Surigao del Sur kabilang ang nasa no.1 sa most wanted list kamakailan sa lalawigang ito.
Ayon kay Police Regional Office 13-Regional Public Information Office chief Police Major Jennifer S. Ometer, nadakip ang No.1 most wanted sa bisa ng warrant sa kasong robbery na ipinalabas ng Lianga, Surigao del Sur Regional Trial Court Branch 28, na may petsang Feb. 9, 2011.
Sunod namang nahuli ang no. 7 most wanted person sa Caraga region Barobo, Surigao del Sur noong Lunes.
Kinilala ang suspek sa pangalan bilang Bon, 33, na nahaharap sa kasong pagpatay na ipinalabas noong Aug. 22, 2014 ng Lianga RTC Branch 28 at walang inirekomendang piyansa ang korte para pansamantala nitong kalayaan.
Sinabi naman ni Surigao del Sur police chief Col. Harry B. Domingo, dinala ang mga suspek sa kustodiya ng Barobo Municipal Police Station para sa tamang disposisyon.
PinuriĀ ni PO-13 head Police Brig. Gen. Christopher Abrahano ang operating units sa pagkakadakip sa mga suspek. Mary Anne Sapico