Home METRO Pampasaherong jeep nahulog sa bangin, 4 sugatan

Pampasaherong jeep nahulog sa bangin, 4 sugatan

ILOCOS SUR- Sugatan ang driver at tatlong iba matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang passenger jeepney sa Brgy. San Miliano, San Emilio ng lalawigang ito.

Ayon sa mga awtoridad, ang passenger jeep ay minamaneho ni Roy Bentor y Dallay-on, 46, samantalang ang tatlong pasahero nito ay kinabibilangan ng 40-anyos na babae, 13-anyos na lalaki at 11-anyos na babai na pawang mga residente ng Brgy. Alfonso, Gregorio Del Pilar, Ilocos Sur kagabi.

Nabatid na bumibiyahe papuntang timog na direksyon sa provincial road sa naturang lugar ang passenger jeep.

Pagdating nito sa pinangyarihan ng insidente, ang driver ay nawalan ng kontrol sa manibela ng sasakyan hanggang sa mahulog ito sa bangin sa lalim na 30 metro.

Ang driver at ang tatlong pasahero ay nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan na agad na isinugod sa Candon General Hospital ng mga rumespondeng PNP, BFP at MDRRMC personnel. Rolando S. Gamoso