Home METRO 2 ‘motornapper’ nalambat ng mga parak sa Bulacan ops

2 ‘motornapper’ nalambat ng mga parak sa Bulacan ops

1
0

BULACAN – Arestado ang dalawang indibiduwal na sangkot sa motornapping sa follow-up operation ng pulisya sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM) nitong hapon ng Oktubre 19.

Sa ulat ni PLTCOL Nelson Sardin, hepe ng SJDM police station, kinilala ang mga suspek na sina alyas Rowel at alyas Inggo.

Ayon sa ulat, natuklasan ng biktima na nawawala ang kanyang motorsiklong nakaparada sa labas ng kanyang bahay kaya humingi ng tulong sa mga awtoridad.

Nabatid sa tulong ng CCTV footage at impormasyon mula sa mga residente ay natukoy ang mga suspek na kalaunay naaresto sa isinagawang operasyon ng mga pulis katuwang ang barangay.

Narekober ng mga awtoridad ang isang Mitsukoshi Jet100 motorcycle habang dinala ang mga suspek sa ospital para sa medical examination at ipinabatid sa kanila ang kanilang mga karapatan.

Nahaharap ang mga susoek sa kaukulang kaso na humihimas na ng rehas sa nasabing istasyon. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here