Home NATIONWIDE 2 nagbenta ng paslit online, kinasuhan na ng DOJ

2 nagbenta ng paslit online, kinasuhan na ng DOJ

MANILA, Philippines- Kinasuhan na ng Department ang dalawang suspek na nagbenta ng bagong panganak na sanggol online.

Isinampa na ang reklamo sa Manila Regional Trial Court laban kina Arjay Escalona Malabanan at Maria Charice Rivera Dizon ng paglabag sa qualified trafficking at child exploitation.

Una nang naghain ng reklamo ang Philippine National Police-Women and Children Protection Center sa Department of Justice Task Force on Women and Children and Against Trafficking in Persons.

Sa isinagawang operasyon, isang babaeng pulis ang nagpanggap na buyer at nakipagtransaksyon sa dalawang akusado at nagkasundong bibilhin ang sanggol sa halagang P90,000 at nagkita sila sa Concepcion Church sa Dasmariñas City, Cavite.

Matapos namang tinanggap ni Arjay ang marked money ay agad itong inaresto.

Batay sa resolusyon ni Assistant State Prosecutor Clairr Eufracia Pagayanan, may sapat na dahilan para panagutin ang dalawang respondent sa kasong qualified trafficking at exploitation. Teresa Tavares