Home METRO 2 nagpanggap na BIR agents, arestado sa Kyusi

2 nagpanggap na BIR agents, arestado sa Kyusi

148
0

MANILA, Philippines – Naaresto ng awtoridad sa Quezon City ang dalawang lalaki na umano’y nagpakilalang BIR personnel at nangikil ng higit ₱1.6 milyon mula sa isang negosyante.

Ayon sa PNP-CIDG, ang mga suspek na sina Roberto Nolasco at Bobby Baylosis ay inaresto noong Lunes sa isang entrapment operation sa loob ng isang restaurant.

Nang magsimula ang imbestigasyon, lumabas na hindi konektado ang mga ito sa BIR, at peke rin ang mga dokumentong ibinigay nila. Ang negosyo ay nagsumbong matapos silang mangikil ng kabuuang ₱1,650,000 gamit ang pekeng identidad at “expertise” sa real property tax.

Nahuli sa operasyon ang mga suspek at nakumpiska mula sa kanila ang brown envelope na may ₱1 milyon, kasama ang iba pang dokumento at ID.

Dinala ang dalawang lalaki sa CIDG district office sa QC para sa dokumentasyon at tamang disposisyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here