Home NATIONWIDE 2 namumuong bagyo, binabantayan ng PAGASA

2 namumuong bagyo, binabantayan ng PAGASA

244
0

MANILA, Philippines – Minomonitor ng PAGASA ang dalawang low pressure area (LPA), isa sa loob at isa sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), nitong Huwebes ng umaga.

Ang LPA sa loob ng PAR ay nasa 95 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora, at may katamtamang tsansang maging tropical depression sa loob ng 24 oras.

Magdadala ito ng maulap na panahon na may kalat-kalat hanggang malawakang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at Aurora.

Apektado rin ang Metro Manila, Ilocos Region, Central Luzon, Calabarzon, Bicol Region, Occidental at Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, at Northern Samar.

Samantala, ang LPA sa labas ng PAR na nasa 2,760 kilometro silangan ng Hilagang Luzon ay may mataas na tsansang maging tropical depression sa loob din ng 24 oras.

Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na patuloy na subaybayan ang mga update. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here