MANILA, Philippines – Lumago ang ekonomiya ng Pilipinas ng 5.5% sa ikalawang quarter ng 2025, bahagyang mas mataas kaysa sa 5.4% noong unang quarter, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Ayon kay PSA chief Claire Dennis Mapa, ang paglago ay dahil sa sektor ng serbisyo, agrikultura, at industriya.
Gayunpaman, mas mababa ito kumpara sa 6.5% growth sa kaparehong panahon noong 2024. RNT