Home NATIONWIDE 2 namumuong bagyo, binabantayan ng PAGASA

2 namumuong bagyo, binabantayan ng PAGASA

86
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Martes na binabantayan nila ang dalawang low-pressure areas (LPA), ngunit hindi umano inaasahang makaaapekto ang mga ito sa panahon sa bansa.

Ang unang LPA ay ang dating Tropical Depression Caloy na nananatili sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR). Ayon sa weather specialist ng PAGASA na si Veronica Torres, hindi na ito inaasahang maging ganap na bagyo.

“We don’t expect it to redevelop into a tropical cyclone. It is also unlikely to cause a direct effect on the weather,” pahayag ni Torres.

Ang ikalawang LPA ay nasa layong 1,690 kilometro silangan ng hilagang-silangang Mindanao sa labas ng PAR at hindi rin inaasahang papasok sa bansa o lalakas bilang bagyo.

“It is not expected to enter PAR, and also unlikely to develop into a tropical cyclone,” dagdag niya.

Sa kabila ng mga LPA, sinabi ng PAGASA na patuloy na mararanasan ang generally fair weather sa buong bansa dahil sa easterlies, na may mga pulu-pulong pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.

Inaasahan din ang mahina hanggang katamtamang hangin at banayad hanggang katamtamang alon sa buong kapuluan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here