Home NATIONWIDE 2 nanguna sa 2026 Civil Engineers Licensure Exam

2 nanguna sa 2026 Civil Engineers Licensure Exam

147
0

MANILA, Philippines — Dalawang examinee ang nanguna sa March 2026 Civil Engineers Licensure Examination, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC).

Kapwa nakakuha ng 94.10 percent rating sina Rico Quiñones Elao ng Cebu Technological University-Main at Mark Zendrijk Pasumbal ng Mapua University-Main, ang pinakamataas na marka sa 6,438 na pumasa sa naturang pagsusulit.

Ayon pa sa PRC, kinilala naman ang University of Saint Louis-Tuguegarao bilang top performing school alinsunod sa Commission Resolution No. 1814, series of 2024, sa mga paaralang may hindi bababa sa 50 examinees at may passing rate na hindi bababa sa 80 porsiyento.

Inilabas din ng komisyon ang listahan ng mga pumasa at ang Top 10 ng pagsusulit. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here