Home METRO 2 nawawala, 4 sugatan sa landslide sa N. Samar

2 nawawala, 4 sugatan sa landslide sa N. Samar

BIRI – Dalawang katao ang nawawala at apat ang sugatan sa pagguho ng lupa sa Purok 1, Barangay Santo Nino, Biri, Northern Samar, ntiong Linggo, Setyembre 1, bunsod ng tropical cyclone “Enteng.”

Kinilala ang mga nawawala na sina Federico Galvan Sabangan Sr., 76, magsasaka, at anak nitong si Federico Acuña Sabangan Jr., 29.

Sugatan ang isang 64-anyos na babae at isang walong taong gulang na babae na dinala sa Biri District Hospital.

Apektado ng landslide ang 14 na bahay sa Purok 1.

Naganap ang landslide ilang sandali matapos ang malakas na pagbuhos ng ulan.

Iniulat ng barangay kapitan ng Santo Nino ang insidente sa Biri Municipal Police Station (MPS).

Ang malakas na pag-ulan dulot ng Enteng ay napaulat na humahadlang sa search and rescue operations. RNT