Home METRO ‘Yes’ vote: Caloocan barangay hahatiin sa anim

‘Yes’ vote: Caloocan barangay hahatiin sa anim

MANILA, Philippines – Pinagtibay at naaprubahan na ang paghahati sa anim na barangay ang Barantay Bagong Silang, Caloocan sa ginanap na plebisito nitong Agosto 31.

Sa inilabas na resulta ng pelisito ng Commission on Elections (Comelec), ang mga constituent ng Barangay 176, Caloocan City ay bumoto ng “YES” pabor sa pagpapatibay na hatiin ang nasabing barangay na kilala bilang Barangay Bagong Silang sa anim na magkakahiwalay at independyenteng barangays na kikilalanin bilang Barangay 176-A, Barangay 176-B, Barangay 176-C, Barangay 176-D, Barangay 176-E at Barangay 176-F.

Ang plebisito ay isinagawa alinsunod sa Republic Act No .11993 na inaprubahan noong Abril 2024.

Nagsimula ang botohan alas 7 ng umaga hanggang alas 3 ng hapon maliban para sa Emergency Disable Polling Places (EAPPs) at Persons Deprived of Liberty-Special Polling Place (PDL-SPP) na natapos ang botohan ng mas maaga.

Personal naman nakasubaybay si Comelec Commissioner Aimee P. Ferolino, Commissioner-in-Charge for Plebiscites, ang pagsasagawa ng plebisito mula simula hanggang matapos.

Pinasalamatan din ng Comelec ang mga constituents ng Barangay 176, Caloocan City sa aktibong pakikilahok sa plebisito upang makaboto at sa tiwala at kumpiyansa sa komisyon sa pagsasagawa ng plebisito.

“The successful conduct of this Plebiscite ,as well as the previously held Plebiscites, undeniably shows the willingness of the Filipino people to actively participate in our electoral exercises, whether it may be large in scale just like the upcoming 2025 National and Local Elections or smaller like this Plebiscite,” saad ng Comelec.

“With this, we will continue to provide a more transparent , inclusive and convenient ,electoral process the Filipino people deserve in order to achieve a peaceful ,orderly,honest ,transparent and credible elections,” dagdag pa ng komisyon.

Ang kabuuang bilang ng registered voters ay 86,153 at ang aktwal na bomoto ay ansa 25,345.

Bomoto ng YES o pabor sa paghahati sa Barangay 176 ang 22,854 rehistradong botante pabor.

Habang 2,584 naman ang bomoto ng NO o hindi pabor. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)