Home NATIONWIDE 2 nawawalang mangingisda nasagip ng PCG sa Bataan

2 nawawalang mangingisda nasagip ng PCG sa Bataan

230
0

MANILA, Philippines – Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawang mangingisda na nawawala noon pang Linggo sa karagatan ng Orion, Bataan, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon sa PCG, namataan ang dalawang mangingisda na nakahawak sa halos nakalubog nang fishing vessel sa maalon na dagat sa layong 4.7 nautical miles hilagang silangan ng Orion, Bataan.

Nasa edad 70 at 71 ang dalawang mangingisda na nasa maayos namang kalagayan nang marescue ayon kay Coast guard Station (CGS) Bataan statios commander Micahel John Encina.

Nagtungo sa Port of Capinpin sa Orion ang BRP Boracay kasama ang mga nasagip na mangingisda kung saan naghihintay ang kanilang pamilya at ng CGS, Bataan, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Sinabi ng PCG na ang pagkawala ng dalawang mangingisda ay iniulat noong Linggo, at huli silang nakita na pinatatakbo ang kanilang bangka sa bisinidad ng bayan ng Pilar.

Ayon sa PCG, ang dalawang mangingisda ay nakaranas ng malakas na alon na nagdulot ng trahedya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here