Home ENTERTAINMENT Jennylyn, biktima ng deepfake ad, magdedemanda!

Jennylyn, biktima ng deepfake ad, magdedemanda!

259
0

Manila, Philippines – Si Jennylyn Mercado ang latest na nabitag ng deepfake ad.

Agad itong pinalagan ng kanyang manager na si Becky Aguila.

Ginamit ng isang online gaming platform ang photo at video niya para palabasing endorser siya nito.

Anito, illegal ang paggamit ng PH Sugar sa kanyang alaga.

Obyus naman daw kasing sinadyang gamitin ang larawan at video ng Kapuso actress para marahuyo ang mga users na mag-download ng app nito.

Sa ngayon ay pinag-iisipan ng management office ni Jennylyn na magsampa ng kaukulang asunto laban sa grupong ito.

Ang tinatawag na deepfake ad ay gumagamit ng Al o artificial intelligence.

Ito’y sa pamamagitan ng panggagaya ng boses at mukha ng nag-eendorso nito.

Marami nang mga artista ang nag-isyu ng warning o babala sa walang habas na paggamit nito. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here