Home NATIONWIDE 2 pang bayan sa Sorsogon inilagay sa state of calamity

2 pang bayan sa Sorsogon inilagay sa state of calamity

MANILA, Philippines – Dalawang bayan pa sa Sorsogon ang isinailalim sa state of calamity matapos hagupitin ng bagyong Kristine.

Inanunsyo ni Victor Alim, councilor at acting presiding officer ng Donsol Municipal Council, nitong Huwebes, Oktubre 24 na inaprubahan ng konseho ang resolusyon na naglalagay sa naturang bayan sa state of calamity.

Ang desisyon aniya, ay “in response to the dire situation of the people in Donsol.”

“The municipality experiences disruption of local economy and normal activities of its communities due to massive floodings, strong winds, landslides, displacement and damage to infrastructures, homes and livelihood,” saad pa sa resolusyon.

Samantala, idineklara rin ng mga opisyal sa Matnog ang state of calamity matapos malubog sa baha ang mga low-lying at coastal barangay sa bayan.

Ito ay inirekomenda ni Mayor Cattleya So, na umuupo bilang chairman ng municipal disaster risk reduction and management council.

Ang bayan ng Bulan ang kauna-unahang nagdeklara ng state of calamity sa probinsya. RNT/JGC