MANILA, Philippines – Nakaligtas ang isang Indian national sa nangyaring pananambang ng hindi pa tukoy na mga salarin nitong Huwebes, Oktubre 24 sa national highway sa Maguindanao del Sur.
Ang biktima, na nagpapautang, ay nagtamo ng minor injuries na tinambangan habang nagmamaneho sa Barangay Labu-Labu sa Datu Hoffer Ampatuan.
Sa kabila ng tama ng bala sa braso, nagawa pa nitong makapagmaneho patungo sa Barangay Kauran, kung saan naman ito dinala ng mga sundalo sa ospital.
Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang insidente. RNT/JGC