Home METRO 2 parak nagbarilan, tigok

2 parak nagbarilan, tigok

260
0

ABRA – DEDO ang dalawang pulis matapos magbarilan sa himpilan ng Provincial Explosives Ordnance Disposal and Canine Unit (PECU) ng Abra Police sa Casamata Hill, Zone 5, Bangued, Abra.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina P/Lt. Jamieson Bulatao, 47, officer-in-charge ng PECU, at Police Staff Sergeant O’Neal Ryan Calica, 30.

Batay sa report ng Abra Police, dakong 8:45 PM nitong Lunes naganap ang barilan ng dalawa sa tanggapan mismo ng PECU.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na dumating si Calica sa kanilang tanggapan at habang nagsisipilyo ng ngipin, biglang lumabas ng kuwarto ang hepe nitong si Bulatao at ikinasa ang kaniyang baril saka pinagbabaril si Calica sa kaliwang dibdib.

Duguan bumagsak si Calica. Saka naman sinunod ni Bulatao ang kaniyang baril sa isa pang pulis na si P/Senior Master Sergeant Edwin Bandoc at pinaputukan ito subalit sumablay.

Dahil dito, gumanti na ng putok si Bandoc at nasapol ng bala sa dibdib si Bulatao.

Agad naman isinugod sa Seares Memorial Hospital sina Calica at Bulatao, pero kapwa idineklarang dead-on-arrival.

Sumuko naman si Bandoc sa Abra Police matapos ang insidente at iginiit na self-defense lamang ang kaniyang naging aksiyon dahil papatayin din siya ni Lt. Bulatao.

Ayon naman kay PNP Spokesperson P/Brig. Gen. Randolf Tuaño, nag-ugat ang barilan dahil sa sumbong ni Calica sa Police Regional Office, na lasing si Bulatao sa tuwing nagrereport sa trabaho, lalo na kapag ito ay nagpapatrolya.

“The motive was that the victimized police staff sergeant supposedly reported his official to the regional police. He complained that, when the police lieutenant is on patrol or responding to a police call, he is under the influence of alcohol,” ani Tuaño. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here