Home METRO P2.2-M halaga ng ‘tuklaw’ nasamsam sa Marikina

P2.2-M halaga ng ‘tuklaw’ nasamsam sa Marikina

331
0

MANILA, Philippines – Nasamsam ng mga awtoridad ang 631 pakete ng “tuklaw” cigarettes na nagkakahalaga ng mahigit P2.2 milyon mula sa apat na lalaki, kabilang ang dalawang motorcycle taxi riders, sa isang buy-bust operation sa Marikina City nitong Huwebes ng madaling araw, ayon sa Eastern Police District (EPD).

Ginawa ang operasyon bandang 2 a.m. sa Barangay Nangka ng Station Drug Enforcement Unit ng EPD, katuwang ang PDEA. Narekober din ang humigit-kumulang walong gramo ng pinaghihinalaang high-grade marijuana (kush). Ang mga suspek, edad 20 hanggang 26, ay kinilalang sina Shane, Fin, Zardo, at Luke.

Ayon sa EPD, ipadadala sa kanilang Forensic Unit sa Barangay Mauway, Mandaluyong, ang mga nakumpiskang ebidensya para sa laboratory examination, habang haharap ang mga suspek sa kaso batay sa RA 9165 sa ilegal na droga. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here