Home METRO 2 patay, 1 sugatan sa banggaan ng trak, motor sa Zamboanga del...

2 patay, 1 sugatan sa banggaan ng trak, motor sa Zamboanga del Sur

68
0

ZAMBOANGA DEL SUR, Philippines – Dalawang katao ang nasawi habang isa pa ang sugatan matapos mabangga ng wing van truck ang isang motorsiklo sa Kumalarag, Zamboanga del Sur nitong umaga ng Mayo 6, 2026.

Batay sa imbestigasyon, ang truck na may kargang salamin ay nag-overtake sa motorsiklo habang pababa sa kalsada sa Barangay Poblacion. Gayunman, biglang kumaliwa umano ang motorsiklo kaya naganap ang banggaan.

Ayon sa mga responder mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), dead on the spot ang 20-anyos na rider at ang kanyang 20-anyos na babaeng angkas dahil sa matinding pinsala.

Sugatan naman ang 17-anyos nilang kasama at kasalukuyang ginagamot.

Dinala sa kustodiya ng pulisya ang 29-anyos na driver ng truck mula Cagayan de Oro City habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here