Home NATIONWIDE Higit 3.5K nag-apply sa Ombudsman

Higit 3.5K nag-apply sa Ombudsman

66
0

MANILA, Philippines – Mahigit 3,500 katao ang nag-apply para sa 114 permanent positions sa Office of the Ombudsman, habang patuloy ang imbestigasyon at pag-uusig nito sa mga personalidad na sangkot sa multibilyong flood control corruption scandal.

Ang mga posisyon ay para sa central office sa Quezon City at mga regional offices sa Visayas at Mindanao.

Ayon kay Assistant Ombudsman for Internal Affairs Luigi Bonoan, patunay ito na maraming naniniwala sa gawain ng ahensya. Aniya, “People want to be part of the good fight.” Dagdag pa niya, “We’re not just looking to fill positions. We’re looking to build a strong organization. The best way to do that is to get the best people.”

Noong Disyembre ng nakaraang taon, sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na magha-hire ang ahensya ng 100 bagong abogado upang palakasin ang kakayahan nitong magsampa ng kaso sa Sandiganbayan laban sa mga mambabatas at iba pang akusado.

Ayon kay Bonoan, hindi lamang abogado ang kailangan ng Ombudsman kundi pati mga inhinyero, accountant, at medical professionals upang mas maging epektibo ang operasyon ng ahensya.

“Hindi lang ito legal at investigatory work,” aniya. “We want specialized people.” RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here