Home METRO 2 patay, 3 na-trap sa tunnel sa Davao dahil sa treasure hunting

2 patay, 3 na-trap sa tunnel sa Davao dahil sa treasure hunting

104
0

DAVAO DEL NORTE, Philippines – Dalawang katao ang nasawi habang tatlo pa ang pinaniniwalaang na-trap sa loob ng isang tunnel sa Barangay Upper Licanan, Panabo City, Davao del Norte, kaugnay ng umano’y treasure hunting.

Ayon sa Panabo City Information Office, mula sa search and rescue ay lumipat na sa retrieval phase ang operasyon dahil sa kalagayan ng mga biktima at sa mataas na panganib sa loob ng makitid na tunnel.

Narekober na ang dalawang biktima—isang 59-anyos na residente ng Tagum City noong Abril 23, 2026, at isa pang 59-anyos na nakuha noong Abril 24.

Samantala, tatlo pang biktima na may edad 39, 75, at 63 ang pinaniniwalaang nasa loob pa ng tunnel.

Natukoy ng mga responder ang presensya ng mapanganib na gas tulad ng ammonia at carbon monoxide sa loob ng tunnel, base sa air monitoring device.

Dahil dito, itinuturing na lubhang delikado ang lugar at kinakailangan ng mahigpit na safety protocols para sa retrieval team.

Gayunman, inirekomenda ng mga awtoridad ang pagtigil ng retrieval operation noong Abril 25 dahil sa “high hazard” na kondisyon.

Ayon pa sa mga awtoridad, umaabot sa humigit-kumulang 270 talampakan ang lalim ng hinukay na tunnel.

Nakipagpulong na rin ang lokal na pamahalaan at iba pang ahensya sa mga pamilya ng mga biktima. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here