Home METRO Lolo arestado sa droga

Lolo arestado sa droga

70
0

MANILA, Philippines – Rehas na bakal ang kinasadlakan ng 60-anyos na lolo na sangkot umano sa pagtutulak ng droga nang maaresto ng pulisya sa buy bust operation sa Caloocan City.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Christopher Dela Cruz, sinabi ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth na nakatanggap sila ng impormasyon hinggil umano’y pagbebenta ni alyas “Rudy” ng ilegal na droga.

Nang positibo ang ulat, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation laban sa suspek sa koordinasyon sa PDEA.

Matapos umanong tanggapin ng suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba ng SDEU sa Brgy., 118.

Nakumpiska sa kanya ang nasa 10.89 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P74,052 at buy bust money.

Sinampahan na ng pulisya ang suspek ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug of 2002. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here