ISABELA — Dalawa ang nasawi habang tatlo ang nasugatan, kabilang ang isang pitong taong gulang na bata, matapos maaksidente ang sinasakyan nilang pickup truck sa Roxas, Isabela.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, binabagtas ng sasakyan ang national highway sa Barangay Lucban nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver.
Sumalpok ang pickup sa isang steel barrier at ilang puno bago bumaligtad sa palayan.
Patuloy pang kinukuha ng mga awtoridad ang panig ng mga sugatan at ng mga kaanak ng mga nasawing biktima. Mary Anne Sapico