Home METRO Titser utas sa pamangkin sa ‘di nabigay na P1,000 pang uniporme

Titser utas sa pamangkin sa ‘di nabigay na P1,000 pang uniporme

1
0

CEBU CITY — Arestado ang isang 18-anyos na college student matapos umanong patayin ang kanyang 33-anyos na tiyuhin na isang guro kasunod ng pagtatalo tungkol sa hiniram na pera sa Candijay, Bohol.

Kinilala ang biktima na si Dexter Hinayon, guro sa Bohol Island State University-Cogtong Campus at residente ng Barangay Can-olin. Nasa kustodiya naman ng pulisya ang suspek na si Jessie Requiz, isang first-year Marine Biology student.

Ayon kay Police Lt. Revy Dean Basalan, hepe ng Candijay police, nagkasundo ang dalawa na magkita noong Linggo ng gabi, Hulyo 19, sa lugar na 300 hanggang 500 metro mula sa bahay ng biktima matapos humiram si Requiz ng P2,000 para pambili ng physical education uniform.

Nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo nang P1,000 lamang ang naibigay ni Hinayon. Sinakal umano ng suspek ang biktima gamit ang rear-naked choke bago hinampas sa ulo ng matigas na bagay.

Binalot umano ni Requiz ng packaging tape ang katawan, ipinasok ito sa sako at itinapon sa isang liblib na lugar na humigit-kumulang 500 metro mula sa pinangyarihan ng krimen.

“He admitted wrapping the body with a packaging tape so he can carry it easily,” ani Basalan.

Iniulat ng mga kaanak na nawawala ang biktima noong Lunes ng gabi, Hulyo 20. Natagpuan ng isang kamag-anak ang kanyang bangkay sa madamong lugar noong Martes ng umaga, Hulyo 21.

Natukoy sa imbestigasyon na ang suspek ang huling taong nakasama ng biktima bago ito nawala. Sinabi ni Basalan na walang bisyo ang suspek at kilala itong aktibo sa mga gawain ng simbahan sa barangay.

Ayon sa pulisya, nakalap na nila ang mga ebidensiyang nag-uugnay sa suspek sa pagpatay. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here