Home METRO 2 patay sa aksidente sa Maynila

2 patay sa aksidente sa Maynila

MANILA, Philippines – Patay ang dalawang indibidwal sa magkahiwalay na lugar nitong Linggo, Abril 7 dahil sa aksidente sa Maynila.

Unang iniulat ang insidente sa eastbound lane ng Legarda St, Sampaloc partikular sa harap ng Arellano University kung saan nasawi ang rider na si Carlos Jaime Lomboya, 29 anyos, mula San Juan City.

Binanagtas ni Lomboya ang eastward ng Legarda St. nang pagsapit sa pakurbada sa bahagi ng unibersidad ay nawalan ito ng kontrol ang kanyang motorsiklo nang madulas saka bumagsak at humampas sa gutter.

Bunsod nito, nagtamo ito ng injury dahilan para isugod sa De Ocampo Memorial Medical Center ngunit binawian din ng buhay.

Samantala, patay din ang isang lalaki nang magulungan naman ng SUV sa Yuseco St., sa Tondo, Maynila ngayong Linggo.

Sa kuha umano ng CCTV, nakitang nakaupo sa harap ng nakaparadang SUV ang biktima habang inaayos ang dala niyang kalakal.

Bigla na lamang umabante ang SUV kaya nagulungan ang biktima.

Bumaba sa SUV ang drayber ngunit sa halip na isakay ang biktima ay pumara ito ng tricycle para dalhin sa ospital.

Gayunman bigla na lamang nawala ang SUV kaya napilitan ang tricycle na ibalik ang biktima sa pinangyarihan ng insidente dahil sa takot kung saan siya binawian ng buhay.

Puspusan ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang sasakyan na nakabangga sa biktima at mapanagot sa nangyari na kanyang tinakbuhan. Jocelyn Tabangcura-Domenden