Home METRO 2 patay sa COVID sa Navotas

2 patay sa COVID sa Navotas

MANILA, Philippines – Dalawa ang namatay sa COVID sa Navotas.

Nitong Enero 4 ay naging 778 ang total COVID deaths sa lungsod ayon sa City Health Department.

Matagal na napako sa 776 ang bilang ng namamatay sa COVID sa fishing capital.

Samantala, ang total recoveries naman ay 22,035; total active cases, 6; at total na nagpositibo sa nasabing sakit ay 22,819.

Parating sundin ang health at safety protocols, at magpabakuna o booster para may proteksyon laban sa COVID-19, ayon sa City Hall. Merly Iral