Home NATIONWIDE 15-anyos na nakainom patay matapos mahulog sa ikatlong palapag

15-anyos na nakainom patay matapos mahulog sa ikatlong palapag

MOUNTAIN Province – Patay ang isang 15-anyos na estudyante matapos na mahulog sa ikatlong palapag ng bahay ng kanyang kaklase sa bayan ng Bontoc.

Ang nasabing biktima ay napag-alamang nakainom bago ang aksidente kasama ang kanyang kuya at kaklase nito.

Habang nag-iinuman, nagpaalam umano ang biktima na matutulog na pero ilang saglit lang ay nakarinig na sila ng malakas na lagabog.

Agad na tumawag ng tulong ang kuya ng biktima pero idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktima. RNT