Home HOME BANNER STORY Inflation rate bumagal sa 3.9% nitong Disyembre

Inflation rate bumagal sa 3.9% nitong Disyembre

MANILA, Philippines – Nanatiling mababa ang mga paggalaw ng presyo ng mga bilihin, at bumagal pa ito sa 3.9% noong Disyembre, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA)  ngayong Biyernes, Enero 5.

Ang nasabing pigura ay nagdala sa 6 porsyento na average inflation rate sa buong 2023.

Lumabas sa datos ng PSA na bumaba ang inflation rate mula sa 4.1% na naitala noong Nobyembre.

Ang December rate ay nasa 3.6% hanggang 4.4% na forecast range ng Bangko Sentral ng Pilipinas para sa buwan.

Sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas na nakita ng mga mamimiling Pilipino ang mas mababang presyo ng mga gulay, prutas, isda, kuryente, at produktong panggatong noong Disyembre.

Ang BSP, gayunpaman, ay nagsabi na ang pagtaas ng presyo ay maaaring magmula sa pagtaas ng presyo ng bigas at karne. RNT

Previous articlePagpapagala ng mga alagang hayop bawal na sa Bilibid
Next article15-anyos na nakainom patay matapos mahulog sa ikatlong palapag