Home NATIONWIDE Pagpapagala ng mga alagang hayop bawal na sa Bilibid

Pagpapagala ng mga alagang hayop bawal na sa Bilibid

MANILA, Philippines – Mahigpit nang ipagbabawal ang pagpapagala ng mga alagang hayop sa loob ng pasilidad ng Bureau of Corrections (Bucor).

Inatasan na ng Bucor ang Security and Escort Command para makipag-ugnayan sa Muntinlupa City Veterinary Office para regular na magsagawa ng operasyon upang ma-impound ang mga gumagala na aso at pusa.

Layon nito na masiguro ang kaligtasan ng publiko kontra sa nakamamatay na sakit na sanhi ng rabies virus at maprotektahan na rin ang mga canine na nakaposte sa iba’t ibang gate ng New Bilibid Prisons.

Kaugnay nito inaabisuhan ang mga tauhan ng Bucor at mga residente sa paligid ng Bilibid na tiyakin na nakatali o nasa loob lamang ng kanilang tirahan ang kanilang mga alagang hayop. Teresa Tavares