Home METRO 2 patay sa landslide sa Angeles City, 2 nawawala sa Bataan

2 patay sa landslide sa Angeles City, 2 nawawala sa Bataan

165
0
Image Representation Only

MANILA, Philippines- Patay ang dalawang indibidwal, kabilang ang isang menor-de-edad, dahil sa pagguho ng lupa sa Angeles City, base sa regional police force nitong Miuyerkules, Hulyo 24, sa gitna ng malakas na pag-ulan na nagresulta rin sa malawakang pagbaha sa 71 barangay sa Bulacan.

Dahil dito, umakyat na sa pito ang bilang ng mga nasawi dahil sa pananalasa ni “Carina”—lima ang naiulat sa Batangas, kabilang ang landslide na pumaslang sa apat sa bayan ng Agoncillo.

Iniulat din ng regional police force na dalawang indibidwal ang naiulat na nawawala sa Bataan.

Hindi pa nakukumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kung may kinalaman ang bagyo sa mga naiulat na nasawi. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here