MANILA, Philippines- Umapaw ang Tullahan River at nagdulot ng pagbaha sa kahabaan ng McArthur Highway sa pagitan ng Valenzuela at Malabon, base sa ulat nitong Miyerkules ng hapon.
Dahil sa pag-apaw ng ilog, ilang kabahayan at sasakyan ang nalubog sa baha.
Stranded naman ang ilang commuters sa kahabaan ng McArthur Highway sa loob ng halos isang oras.
Sinabi ng PAGASA na patuloy na lumalakas si bagyong Carina habang kumikilos patungo sa Taiwan. RNT/SA