Home METRO 2 patay sa pananaksak sa Antipolo sa araw ng PaskoMETRONATIONWIDETOP STORIES 2 patay sa pananaksak sa Antipolo sa araw ng PaskoDecember 26, 2024 16:45 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Dalawa katao ang nasawi sa magkahiwalay na insidente ng pananaksak sa Antipolo City, nitong araw ng Pasko, Disyembre 25.Nangyari ang insidente sa Barangay Cupang kung saan ang babae ay sinaksak ng kanyang stepson.Ayon sa mga awtoridad, nasa inuman ang biktima at ang suspek nang mangyari ang pananaksak.Away sa gastusin sa bahay ang tinitingnan motibo ng krimen.Samantala, pinagsasaksak-patay din ang isang tricycle driver sa Barangay San Jose.Papasok na sana ng bahay ang tricycle driver nang pitong beses itong saksakin ng mga suspek.Naaresto ang tatlo sa apat na mga suspek, habang ang mismong sumaksak sa biktima ay naaresto rin sa isang follow-up operation. RNT/JGC