Home METRO Kelot dedo sa pamamaril ng kapitbahay sa Bisperas ng Pasko

Kelot dedo sa pamamaril ng kapitbahay sa Bisperas ng Pasko

MANILA, Philippines – Patay ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin ng kapitbahay sa mismong Bisperas ng Pasko, o Disyembre 24.

Ayon sa ulat, makikita sa video footage ang suspek na lalaki na tumatakbo matapos ang pamamaril.

Buhat-buhat naman ang biktima na agad isinugod sa ospital ngunit hindi na umabot nang buhay.

Hindi pa tukoy ang motibo sa pamamaslang.

Nahuli naman agad ang suspek na hindi na nagbigay ng pahayag. RNT/JGC