Home METRO 2 patay sa sunog sa Mandaluyong

2 patay sa sunog sa Mandaluyong

MANILA, Philippines – Dalawa ang nasawi sa sunog sa residential area sa Barangay Poblacion, Mandaluyong City nitong gabi ng Miyerkules, Marso 13.

Ang biktima ay dalawang menor de edad na magkapatid.

Ayon kay Fire Senior Inspector Jess Acoba, hepe ng BFP Mandaluyong, ang mga nasawi ay edad 16-anyos na babae at 4-anyos na kapatid nitong lalaki.

Tumanggi ang kaanak ng mga biktima na magsalita sa insidente.

Natagpuan ang bangkay ng mga ito na magkasama sa nasunog nilang bahay.

Iniimbestigahan ng BFP ang dahilan kung bakit hindi agad nakalabas ng bahay ang dalawa.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na kumalat sa 50 tirahan.

Nasa 100 pamilya naman ang nawalan ng tirahan sa sunog na naapula madaling araw ng Huwebes. RNT/JGC

Previous articleResort sa Chocolate Hills alam ng DENR, DOT
Next articleWalang nanalo sa Grand Lotto, Megalotto sa Wednesday draw – PCSO