Home NATIONWIDE Resort sa Chocolate Hills alam ng DENR, DOT

Resort sa Chocolate Hills alam ng DENR, DOT

MANILA, Philippines – Alam ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Tourism (DOT) ang patungkol sa viral resort na matatagpuan sa Chocolate Hills sa Bohol.

Sa katunayan umano ay naglabas ng temporary closure order ang DENR laban sa resort noon pang Setyembre 2023.

Sa pahayag ng DENR nitong Miyerkules, Marso 13, sinabi na ipinatigil nito ang operasyon ng naturang resort noong Setyembre dahil wala itong kaukulang permit.

Inatasan din umano ng Office of the Central Visayas regional executive director si Provincial Environment and Natural Resources Officer (PENRO) Paquito Melicor na busisiin ang pasilidad kung sumunod ba ito sa utos na temporary closure order.

“In the case of Captain’s Peak Resort, the DENR issued a Temporary Closure Order last September 6, 2023, and a Notice of Violation to the project proponent last January 22, 2024 for operating without an (environmental clearance certificate),” sinabi ng DENR.

Samantala, sa hiwalay na pahayag ay sinabi ng DOT na suportado nila ang “preservation and protection” ng Chocolate Hills.

Nilinaw din ng ahensya na hindi accredited tourism establishment ang Captain’s Peak Resort batay sa kanilang DOT system.

Wala ring nakabinbin na aplikasyon ang resort sa DOT.

“The Department, through its Regional Office in Central Visayas, has been in coordination with the Bohol Provincial Government since August 2023 to express its concerns regarding this matter especially recognizing the necessity of preserving the integrity of this natural resource,” pahayag ng DOT.

“While development is essential for growth and progress, it must be conducted in harmony with environmental and cultural preservation. We urge all parties involved, including government agencies, private sector entities, and local communities, to work together towards sustainable and responsible,” dagdag pa. RNT/JGC