Home NATIONWIDE 2 PH transgenders na sangkot sa karambola sa Bangkok posibleng ma-deport

2 PH transgenders na sangkot sa karambola sa Bangkok posibleng ma-deport

MANILA, Philippines- Sa halip na maharap sa kasong assault and battery, posibleng ipa-deport na lamang at pagmultahin ang dalawang Filipino transwomen na sangkot sa away sa Bangkok, ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de  Vega nitong Huwebes.

Subalit, binigyang-diin ni De Vega na hindi pa pinal ang desisyon ukol dito.

“Macoconfirm natin bago matapos ang araw ngayon, ang gagawin na lang ay ipapabayad na lang ng piyansa o fine yung mga assailants o yung mga Filipino transgender. Dalawa sila na kinakasuhan — pay fine tapos i-deport na lang,” pahayag ni de Vega sa isang panayam.

Sa hiwalay na mensahe, ipinaliwanag ni De Vega na regular itong proseso sa ilalim ng batas ng Thailand mula nang “they accepted the charges.”

“Fine of 5K baht each being settled by [the] embassy,” dagdag niya.

Samantala, umapela si de Vega sa lahat ng Pilipino sa ibang bansa na huwag makipaglaban sa mga lokal dahil teritoryo nila iyon.

“At saka, well… alam natin emotions can get very high, nandyan ang embassy para tulungan kayo. Pero importante na ‘yung magandang pangalan ng Filipinos sa ibang bansa ay i-maintain natin,” paliwanag niya.

Naganap ang kaguluhan sa pagitan ng Filipino at Thai transwomen sa isang restaurant sa Soi Sukhumvit 11 malapit sa Nana BTS station nitong Lunes ng gabi. RNT/SA