Home ENTERTAINMENT Rhen, ikinumpara kay Ozawa!

Rhen, ikinumpara kay Ozawa!

Manila, Philippines- Sa presscon ng endorsement ni Rhen Escano, naurirat ang aktres kung ano ang bentahe o lamang niya bilang brand ambassador sa Japanese model at dating porn actress na si Maria Ozawa na endorser rin ng online casino.

Mapagkumbaba naman niyang sinabi na wala siyang kalamangan kay Ozawa.

“Naku! Wala po tayong lamang doon. Nakikita ninyo naman po. Parang dehado po tayo. Daanin na lang po natin sa kung may charm siya, mas charming po ako, iyon na lang. Iba po siya, iba iyong target namin. Mas..Ako ang target ko rito, eh, iyong charity works,” aniya.

Hirit pa niya, nag-iisa raw si Ozawa dahil iconic ito.

Sey naman ng media colleagues, hamak na sariwa at maganda si Rhen kumpara kay Maria.

Sa naturang mediacon, nagbalik-tanaw din si Rhen tungkol sa pinakamalaking sugal na nagawa niya sa kanyang karera.

Aniya, literally ay dumaan daw siya sa butas ng karayom bago niya makamit ang pinakaaasam niyang stardom at makapagbida sa pelikula.

Hindi naman niya ikinaila na naging stepping stone niya ang pagpapa-sexy sa pelikulang “Adan” para makilala siya.

Gayunpaman, wala raw naman siyang regrets sa naging career decision niya noon na magpaka-daring.

Nagpapasalamat din daw siya sa Viva dahil sa ngayon ay nabibigyan na siya ng ibang proyekto kung saan naipakikita niya ang versatility niya as an actress and not just as a sex symbol.

Napansin ang galing ni Rhen ng mga kritiko sa pelikulang “Untrue” kung saan naging nominado siya sa iba’t-ibang award giving bodies.

Pinatunayan din niyang keri niyang gumawa ng relationship drama sa seryeng “Kung Hindi Lang Tayo Sumuko.”

Nanindak naman siya bilang title roler sa horror movie na “Marita” na isang hit.

Isa raw sa fervent wishes niya ay makagawa ng isang makabuluhang pelikula at manalo ng acting award.

Si Rhen ang kauna-unahang endorser ng CC6 Online Casino na wagi bilang Most Trusted Casino sa prestihiyosong Gawad Filipino awards noong nakaraang taon.

Ayon naman sa marketing in charge ng CC6 na si Ms.Jev Frago, natagpuan nila ang mga katangian ng endorser kay Rhen na aligned sa kanilang vision.

Si Rhen ay kasalukuyang napapanood sa toprating Kapamilya series na “Can’t Buy Me Love.”

Kasama rin siya sa cast ng upcoming TV series na “Lumuhod Ka Sa Lupa.” Archie Liao

Previous article2 PH transgenders na sangkot sa karambola sa Bangkok posibleng ma-deport
Next articleDOT nakapagtala ng higit 1.2M int’l visitors sa Pinas sa unang 2 buwan ng 2024