Home NATIONWIDE 2 puganteng Chinese tiklo sa Maynila

2 puganteng Chinese tiklo sa Maynila

MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang dalawang puganteng Chinese na wanted sa kanilang bansa dahil sa kaugnayan sa economic crimes.

Ayon sa Bureau of Immigration fugitive search unit, nahuli nila ang suspek na kinilalang si Su Yan, 47, at Hui Chi Lam, 55 sa isinagawang mission order sa kanilang tirahan sa Tondo, Manila noong Oktubre 31.

Naka-detain na ang dalawang Chinese sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang naghihintay ng deportation.

“They will be deported for being undesirable aliens and their names will be included in our blacklist, banning them from re-entering the Philippines,” saad sa pahayag ni BI Commissioner Joel Viado.

Samantala, sinabi ni BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy na inisyu ang arrest warrants laban kay Su at Hui ng public security bureau ng Luxi County sa Jianxi noong Marso dahil sa pagsasabwatan sa pagbebenta ng financial products sa mga investor nang walang kaukulang kwalipikasyon at permit mula sa angkop na ahensya ng pamahalaan.

Pinaniniwalaang nakakulimbat ang dalawang suspek ng mahigit 59 million yuan, o nasa US$8.2 million nang magsimula ang kanilang raket noong 2018.

Overstaying na rin sa Pilipinas ang dalawang Chinese national. RNT/JGC