Home METRO 2 pulis, iniimbestigahan sa pang-aabuso

2 pulis, iniimbestigahan sa pang-aabuso

222
0

MANILA, Philippines – Dalawang pulis, isa sa Manila at isa sa Cebu, ay nahaharap sa imbestigasyon ng PNP dahil sa umano’y pang-aabuso.

Ayon sa ulat, ang pulis sa Manila ay inakusahan ng panggagahasa sa isang 27 anyos na babae.

Sinabi ng PNP na iniulat ng biktima sa Volunteers Against Crime and Corruption ang insidente, at kinumpirma ng medico-legal ang mga palatandaan ng pang-aabuso.

May CCTV footage rin umano na nagpapakita na ang pulis ay “carrying an unconscious woman into a motel” sa Sampaloc, Manila noong December 4.

Itinanggi ng abogado ng pulis ang akusasyon at sinabing “consensual” ang kanilang interaksyon.

Samantala, ang pulis sa Cebu ay inakusahan ng pananakit sa isang taong may kapansanan.

Ayon sa PNP, nagka-alitan ang pulis at biktima habang nagmomotorsiklo sa Cebu.

Viral sa social media ang CCTV footage na nagpapakita sa pulis na bumaba sa kanyang motorsiklo at sinapak ang biktima, na nahulog mula sa kanyang sasakyan.

Wala pa ring pahayag ang pulis ukol sa akusasyon.

Inalis sa tungkulin ang dalawang pulis at inilagay sa restrictive custody habang iniimbestigahan ang kaso, ayon kay PNP Acting Chief PLt.Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.

Inutos din niya ang paghahain ng criminal at administrative cases laban sa dalawang opisyal.

“Any complaint against our personnel is taken seriously not only to uphold discipline but also to send a strong message to the Filipino people that we do not condone any action that compromises the integrity and professionalism of their Philippine National Police,” sabi ni Nartatez. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here