Home LIFESTYLE HEALTH Kaso ng “super flu” sa bansa, sumirit sa 63 – DOH

Kaso ng “super flu” sa bansa, sumirit sa 63 – DOH

435
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa 63 ang naitalang kaso ng tinatawag na “super flu” sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Sinabi ng ahensya na lahat ng pasyente ay gumaling na.

“Meron na tayong datos ngayon, all the way until December, 63 yung naibilang natin. Lahat po sila ay buhay, lahat sila ay gumaling na,” ayon kay DOH spokesperson Albert Domingo.

Nilinaw ng DOH na ang “super flu” ay hindi bagong sakit kundi variant ng Influenza A.

“Yung super flu kasi, sa totoo lang, hindi naman po siya bago. Siya po ay variant ng Influenza A, trangkaso po ‘yan sa madaling salita. Matagal na po ‘yan umiikot,” aniya.

Dagdag ni Domingo, kapareho lang ng karaniwang trangkaso ang mga sintomas nito.

“Wala pong pinagkaiba yung sintomas niya sa pangkaraniwang trangkaso—ubo, sipon, lagnat, pananakit ng katawan,” dagdag niya.

Paalala rin ng DOH na sa panahong ito ng Enero, ang sipon at sore throat ay maaaring dulot lamang ng pagbabago ng panahon.

“Ang mahalaga pong tandaan, lalo na sa ganitong panahon—Enero sa Pilipinas—kapag nagbago ang panahon, maaaring mairita ang ilong at lalamunan. Kaya nagkakaroon ng sipon at sore throat. Hindi naman nangangahulugan na flu agad.”

“Kapag hindi naman tayo naglagnat tapos nangangati yung mata natin, pati ibang bahagi ng katawan, maaaring allergy po ‘yan,” dagdag niya.

Ayon pa sa DOH, hindi rin agad “super flu” ang sipon na may kasabay na pananakit o pangangati ng lalamunan.

Hinihikayat pa rin ang pagsusuot ng face mask bilang pag-iingat, ngunit nilinaw ng DOH na hindi ito senyales ng mas malalang sitwasyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here